Featured

Starting Over Again

Be yourself; Everyone else is already taken.

— Oscar Wilde.

Ang aking blog ay tumapatungkol sa pelikulang Starting Over Again, isang Filipino Rom-Com Movie. Kahit tanungin pa ninyo ang aking mga kaibigan, hindi ko masyado gusto ang mga pelikulang mayroong romansa at gawa ng mga Pilipino dahil baliktarin man ang mundo, alam ko na kung ano ang mangyayari sa dalawang bida. Kapag gawang Pinoy talaga ang pelikula, mayroong happy ending kaya hindi na ako masyadong nasasabik na manood ng mga pelikulang gawa ng Pinoy.

Nang lumabas ang Starting Over Again, mayroong mga eksena na nakakaiyak ngunit sigurado na ako kung ano ang mangyayari. Alam ko na sa aking sarili na ang pagmamahalan ng dalawang bida pa rin ang magwawagi.

Ang istorya ay tungkol sa isang babae na iniwan ang kanyang kasintahan dahil sa takot na mag-kasingkatulad ang kanyang kasintahan at ang kanyang ama– mga walang ambisyon. Nagustuhan ng babae ang lalaki dahil sa inaakala niya na ang lalaki ay mataas ang ambisyon at isang masipag na lalaki. Siya’y nagkamali dahil ang lalaki pala ay marunong makuntento sa kung ano ang mayroon siya at ang babae, ayaw niya sa kagustuhan ng lalaki kaya iniwan niya ang lalaki upang maging architect.

Lumipas ang mga taon, nagkita muli ang babae at ang lalake. Laking gulat ng babae nang makita niya na may ibang kasintahan na pala ang lalaki. Determinado ang babae na kunin niya pabalik ang lalaki. Napahinto ako at naawa sa kasintahan ng lalaki dahil alam ko na na iba ang magkakatuluyan sa huli. Mabait pa naman din ang bagong kasintahan ng lalaki.

Nagkaroon ng interaksyon ang dating magkasintahan at alam ko na kung paano na ito magtatapos– iiwan ni lalaki ang bagong kasintahan at sasama siya sa dating ka-ibigan.

Ngunit ako’y nagkamali.

Mayroong romansang interaksyon ang lalaki at ang babae sa kanilang pagkikita ngunit mas nangibabaw ang pagmamahal ng lalaki sa bagong kasintahan. Naisipan ng lalaki na ang bagong kasintahan niya’y walang ginawa kundi bigyan siya ng suporta at ibigay lahat ng kanyang pagmamahal.

Nagustuhan ko ang pelikula at ito’y aking pinili para sa aking blog dahil ang pelikulang ito ay nagpapakita ng realidad na hindi lahat ng pag-iibigan ay matatapos na masaya. Minsan, kailangan masira ang kanilang relasyon upang makamit ang kanilang happy ending.

Natapos ang pelikula na naka move-on ang dalawang bida at nagkaroon na ng sariling mga buhay na masaya. Mayroon na silang closure at nakamit na nila ang kasiyahan na kanilang hinahanap.

Para sa akin, ang mensahe na lumalabas sa pelikula ay huwag tayo masyadong mataas. Minsan, ang lahat na nagpapasaya sa atin ay ang mga simpleng bagay lamang at kung iiwanan natin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin, maaaring mayroong makakakita sa iyong pagkakamali at sila na ngayon ang may hawak sa bagay na nagpapasaya sa iyo. Minsan ay sila rin ang nagbibigay saya sa taong iyong sinira at kahit na gustuhin mo man na maibalik ang lahat sa dati, tapos na ang mga pangyayari at hindi mo na maibabalik ang oras kahit humiling ka pa sa buwan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started